Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister, kapitbahay patay sa pamamaril sa Midsayap, North Cotabato

Rhoderick BeƱez

(Midsayap, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Patay ang isang 30-anyos na mister habang binawian din ng buhay sa ospital ang kapitbahay nito na natamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang biktima sa panibagong krimen na sumiklab sa Poblacion 3, Midsayap, North Cotabato pasado ala 1:00 ng madaling araw ng Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktima na si Joey Ryan Agustin Quilban, 30-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat na nakarating kay Delos Santos, nasa loob ng bahay ng kanyang kaibigan na si alias “Barok Mama” ang biktima ng ito ay pagbabarilin.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan ang biktima at sa ulo nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Isa pang biktima ang namatay din ng maisugod sa bahay pagamutan matapos na tamaan ng ligaw na habang ito ay natutulog sa kalapit bahay kungsaan nangyari ang pamamaril.

Kinilala ang biktima na si Alma Liuson Mama, 28-anyos, kasado at resiente rin ng nasabing lugar.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga bala ng kalibre .45 na pistol, dalawang piraso ng empty sachet ng shabu, mga aluminum foil, lighter at improvised tooter na sinasabing illegal drug paraphernalia.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Midsayap PNP, upang alamin kung may kinalaman sa illegal na droga ang nasabing krimen. 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento