Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Restaurant pinasabog ng tandem

(Cotabato city/ April 20, 2015) ---Dalawang sunod na pagsabog ang gumulantang sa Cotabato City at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao matapos maghagis ng granada ang dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa compound ng restaurant noong Sabado ng gabi.

Naganap ang unang pagsabog sa police detachment sa Barangay Tamontaka Dos sa bayan ng Datu Odin Sinsuat dakong alas-7 ng gabi kung saan wala namang iniulat na nasugatan.
Bandang alas-8 ng gabi niyanig naman ng pagsabog ang bakuran ng Aling Precy Restaurant matapos itong hagisan ng granada ng riding-in-tandem.

Nagkabasag-basag ang mga salamin ng nasabing restaurant habang sugatan naman si Dalmacio Villa na isinugod sa Cotabato Regional and Medical Center.

Ayon sa nagpapatrolyang driver ng military truck ng Special Forces Battalion, namataan ang dalawang di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo sa kahabaan ng Sinsuat Avenue ang naghagis ng granada.

Tinangkang habulin ng military truck ang motorsiklo subalit dahil sa tindi ng trapiko ay di na nila ito inabutan kung saan hindi rin umano sila makapaputok dahil sa mga sibilyan na nasa highway.

Tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Notre Dame Avenue kung saan nag-iwan ng isang IED sa tapat ng detachment ng Special Forces sa Barangay Rosary Heights 2 na hindi naman sumabog. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento