Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OPVET Namahagi ng mga Farm Animals sa mga Bayan ng Alamada at Midsayap

By: Ruel Villanueva
         
(Kabacan, North Cotabato/ April 14, 2015) ---Abot sa 46 na mga magsasaka sa bayan ng Alamada at 34 sa bayan ng Midsayap ang napagkalooban ng kalabaw at baka mula sa Office of the Provincial Veterinarian kamakailan lamang (3/19-20/15).
         
Ayon kay Dr. Rufino C. Sorupia, ang Provincial Veterinarian, nagmula sa iba’t-ibang mga Barangay ng Alamada ang mga recipients na kinabibilangan ng Bao, Kitacubong, Mapurok, Paruayan, Pigcawaran, Polayagan at Upper Dado na kung saan abot sa 24 na baka at 22 na kalabaw ang naipamahagi.

         
Nagmula naman sa mga Barangay ng Agriculture, Ilbocean, Kiwanan, Lower Glad, Palongoguen at Poblacion 6 sa Midsayap ang napagkalooban ng 690 na pato na mga farmer recipients, dagdag pa ni Sorupia.
         
Isinagawa sa Municipal Plaza ng Alamada ang pamamahagi ng mga kalabaw at baka, samantalang sa Barangay Kiwanan naman sa Midsayap ang dako ng dispersal ng pato.
         
Patuloy namang imomonitor ng mga veterinarian ng OPVET ang kalusugan ng mga hayop na naipamahagi upang masigurado na magiging kapakipakinabang ang mga alagaing hayop pagdating ng araw, ayon kay Dr. Belinda Gornez.
         
Suportado naman ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang Animal Dispersal ng OPVET na naglalayong mabigyan ng pangkabuhayan ang mga recipients upang maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga magsasaka.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento