Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Operations Manager, itinumba!

By: Mark Anthony Pispis

(Kidapawan City/ April 8, 2015) ---Dead on the spot ang isang Operations Manager matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang salarin sa Brgy. Balindog sa Lungsod ng Kidapawan alas 12:30 kahapon ng tanghali.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang biktima na isang Clint Utlang, 30 anyos, Operations Manager ng S&F Marketing Kidapawan City, at resident eng nasabing lungsod.


Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na habang naglalakad ang biktima kasama ang isa nitong kaibigan galing sa kanilang pinagtatrabahuhan ang bigla na lamang dumating ang suspek at walang kaabo-abog na pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktima mula sa di pa matukoy na uri ng armas.

Nangyari ang pamamaril ilang metro lamang ang layo mula sa Detachment at Checkpoint.

Sa ngayon ay blangko pa ang Kidapawan City PNP sa motibo sa nasabing pamamaril at patuloy pang inimbestigahan ang nasabing insidente. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento