Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaking nanutok ng kutsilyo, kalaboso!

(Magpet, North Cotabato/ April 16, 2015) ---Arestado ang isang lalaki na sinasabing may warrant of arrest sa paglabag sa Republic Act 9165 sa Regional Trial Court Branch 18 sa Pagadian City gamit ang pangalang Edgar Etorma Dela Cruz sa bahagi ng Sitio Pidlanan, Magkaalam, Magpet, dakong alas 12:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jun del Carmen Jr., na sinasabing nanutok rin ng baril kay Gema Tuario, 41-anyos na taga Barangay Noa ng bayan.

Ayon kay Tuario, galing sila ng Barangay Manuvu at pauwi na sana nang parahin sila ni Del Carmen kasama ang kanyang dalawang taong gulang na anak.

Nakiusap umano si Del Carmen na pasakayanin sila sa motorsiklo ng ginang.

Nagulat na lamang sina Tuario nang tutukan sila ng patalim ni Del Carmen at kinuha ang kanilang motorsiklo saka tumakas kasama ang kanyang anak.

Agad rumesponde ang mga pulis at nahuli ang suspek.

Depensa naman ni Del Carmen, nagawa niyang tutukan ng kutsilyo sila Tuario upang makasakay sila ng motorsiklo at agad makauwi. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento