Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Convoy ng militar, pinasabugan!

(Maguindanao/ April 14, 2015) ---Nanatiling naka alerto ang 6th ID Philippine Army matapos pasabugan ng pinaniniwalaang miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF ang  convoy ng militar sa Sitio Lining, Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kamakalawa ng hapon.

Ayon kay 6ID Divison Public Affairs Office Chief Captain Joanne Petinglay papunta sana ang 21st Mechanized Company sa kanilang Headquarters sa Barangay Bagan, Guindulungan nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device o IED sa dinadaanan ng mga ito.


Naniniwala si Petinglay na target talaga ng BIFF ang militar sa naturang pagsabog.

Matapos naman ang malakas na pagsabog, inatake na umano ng BIFF ang militar at nagkapalitan ng putok ang dalawang grupo na umabot ng halos 20 minuto.

Gayunman, kinumpirma ni Petinglay na wala namang nasaktan o nasugatan sa kanilang hanay.

Ayon pa kay Petinglay, ang nasabing insidente ay nangangahuluhan lamang na nariyan pa rin ang presensya ng BIFF sa area ng 6th ID na patuloy na naghahasik ng kaguluhan sa lugar. 






0 comments:

Mag-post ng isang Komento