Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 dedo sa pananambang

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Napatay ang dalawang pasahero ng van matapos tambangan ng mga di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Limbo sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon ng umaga. 

Kinilala ni P/Senior Insp. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat PNP ang mga biktima na sina Melo Florentino Zail, 57, ng Tacurong City; at Jane Erye Vicelles, 30, nakatira sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.
Sa police report, lumitaw na lulan ng pampasaherong van ang mga biktima patungong Cotabato City mula sa Davao City nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki pagsapit sa nabanggit na barangay bandang alas-9 ng umaga.

Nagawa pang maisugod sa Cotabato Regional and Medical Center subalit idineklarang patay ang dalawa. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento