Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Spokesperson ng BIFF Abu Misri Mama hinamon si AFP Chief Gen. Gregorio Catapang Jr. na umanib sa kanilang kilusan



By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 2, 2015) ---Hinamon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF spokesperson Abu Misri Mama si AFP Chief General Gregorio Pio Catapang Jr. na kung tunay umano itong matapang ay sumama o umanib sa grupo ng BIFF.

Kung hindi umano ito umanib ay duwag daw umano ito. Ito ang mariing pronouncement na inihayag ni Abu Misri Mama sa panayam ng DXVL news.


Inihayag din ni Mama na wala umano sa bokabularyo ng BIFF ang sumuko at bakit daw susuko at wala daw umanong namatay sa grupo nila dahil pinoprotektahan umano sila ni Allah. Dagdag pa niya na nag ambush daw umano sila ng dalawang tangke ng AFP.

Ipinaliwanag din ni Mama na bala lang daw ang isasauli nila sa gobyerno at hindi nila isasauli ang mga baril ng fallen 44 dahil bawal daw umano sa Islam ang isauli ang nakuha sa kalaban. Sinabi din niya na kung sa boxing daw umano ay knock down talaga ang SAF. Sa kanila daw umano ang belt at hindi nila isasauli.

Hindi rin direktang sinagot ni Mama kung gaano kalakas ang kanilang mga baril at kung gaano sila karami. Aniya ang importante ay lumalaban sila. Mariiin ding sinabi ni Mama na kung aanib sa kanila ang MILF ay hihingian nila ng qualification pero hinding hindi umano sila aanib sa MILF.

Dagdag pa ni Mama na ang AFP umano ang terorista at kayang kaya daw umanong lusubin ng BIFF ang buong Mindanao.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento