Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Habal-habal drayber, nilikida!

(Midsayap, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Patay ang isang habal-habal driver matapos barilin ng di pa kilalang suspek sa brgy. Nabalawag, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Jomari Cadungog, 37 anyos, may asawa at taga Brgy. San Isidro, Midsayap.

Sa inisyal na imbestigasyon ng otoridad, pinakyaw ng dalawang lalaki ang motorsiklo ni Cadungog mula brgy. Pobalcion patungog Brgy. Nabalawag kahapon ng hapon.

Ngunit pagdating sa Nabalawag ay agad binaril ang biktima ng mga suspek ng tatlong beses gamit ang kalibre 45 na baril.

Matapos ang pamamaril sa biktima ay tinangay ng mga suspek ang Baja 100 na motorsiko nito ngunit agad ding narekober ng mga otoridad matapos abandonahin dahil naubusan ng gasolina.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento