Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dahil sa utang, magsasaka sinaksak ang kapwa magsasaka sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Patuloy ngayon nagpapagaling sa isang pagamutan sa Cotabato City ang isang magsasaka matapos saksakin ng kanyang kapwa magsasaka sa brgy. San Pedro, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang nasaksak na si Jun Clanes, 48 anyos, may asawa habang ang suspek naman na kumpare nito ay si Paquito Kambendo, 40 anyos at parehong residente ng brgy. San Pedro.

Sa imbestigasyon ng pulisya maniningil lamang sana ng utang ang suspek sa biktima matapos pangakuan nitong babayran ang kanyang utang na 20 thousand pesos pagkatapos ng ani.

Nabatid na dalawang ani na ang lumipas ay hindi pa rin nakapag bayad ang biktima sa suspek.

Kamakalawa ng hapon ay sinubukang singilin ulit ni Clanes si Kambendo ngunit hindi pa rin ito nagbayad at sa halip ay binataan pa ito si Kambendo.

Umuwi ang suspek sa kanilang bahay at kumuha ng isang matulis na bagay at pagbalik nito ay sinaksak na ang biktima na napuruhan sa kanyang dibdib.

Mabilis naman naisugod sa pagamutan ang biktima.

Sa impormasyon ng Midsayap PNP, maghaharap-harap naman  ngayong araw ang dalawang pamilya para areglohin ang kanilang problema.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento