Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

70 BIFF at 4 na sundalo, patay sa nagpapatuloy na intensified Law enforcement ng militar sa Maguindanao

(North Cotabato/ March 10, 2015) ---Umaabot na sa mahigit 70 mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang napatay habang 30 naman ang nasugatan simula nang ilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang all out offensive laban sa rebeldeng grupo.

Ito ang sinabi ni Phil. Army's 6th ID Division Public Affairs Office Chief Captain Joan Petinglay sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan sa programang Periodiko Express.

Kinumpirma din ng opisyal na apat namang sundalo ang napatay sa panig ng militar kabilang ang isang opisyal ng 6th Scout Ranger Company at nasa 29 ang sugatan.


Sinabi ni Petinglay, na nagtala ng casualties ang militar sa pinakahuling labanan partikular nitong weekend nang makasagupa ng mga sundalong Army Scout Ranger at Army 33rd Infantry Battalion ang mga miyembro ng BIFF sa may Barangay Muslim, Guindulungan, Maguindanao. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento