Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 sundalo dinedo sa palengke

(Maguindanao/ March 5, 2015) ---Dalawang sundalo ang napatay matapos pagbabarilin ng dalawang di-kilalang tinedyer sa bisinidad ng pamilihang bayan sa Buldon, Maguindanao noong Lunes ng gabi. 

Kinilala ni P/Senior Inspector Acmad Sarico, hepe ng Buldon PNP ang mga biktima na napuruhan sa ulo ay sina Corporal Nerger Pinero ng Libungan, North Cotabato at Private First Class Jamanel Bulaybolay ng Kapatagan, Lanao del Norte at kapwa miyembro ng Charlie Company ng 37th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Sinasabing namamalengke ang dalawang sundalo nang lapitan at ratratin ng dalawang tinedyer kung saan inagaw pa ng gunmen ang M16 Armalite rifle ni Corporal Pinero.

Bagama’t natukoy na ang pagkakakilanlan sa mga suspek, patuloy pa ring pinaghahanap ang mga ito na sinasabing kapwa 18-anyos. 

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang mga gunmen. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento