Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bigtime na Drug Pusher, arestado!

(Cotabato City/ February 26, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang bigtime na Tulak Droga sa Cotabato City pasado alas 6:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PDEA ARMM Director Filemon Ruiz ang suspek na Mona Musa Bagundang alias Bai na taga Boliao 2, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City.

Natiklo ang suspek sa isinagawang drug buy bust operation ng PDEA-ARMM sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ni Hon. Judge Bansawan Ibrahin ng RTC branch 13 - Cotabato City.

Nakuha mula kay Bagundang ang mahigit dalawang daang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng One Million Three Hundred Thousand pesos, isang digital weighing scale, isang box ng plastic transparent container, ilang drug paraphernalia at isang M-16A1 riffle.

Si Bagundang ay matagal nang minamanmanan ng mga otoridad na umanoy sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga sa ilang bahagi ng Maguindanao, North Cotabato, South Cotabato at Davao Region.

Kaugnay nito kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10951 na inihahanda ng otoridad laban sa kanya. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento