Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Titser, inutas ng tandem sa eskwelahan

(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patay on the spot ang isang elementary teacher makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa loob ng silid-aralan nito sa Datu Sundangan Elementary School, Pres. Roxas, North Cotabato ala 1:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Rommy Castañares, hepe ng Pres. Roxas PNP ang biktima na si Marato Ampatuan, 49-anyos, may asawa, teacher 1 residente ng Brgy. Bulit, Datu Montawal, Maguindanao habang sugatan naman ang isa pang grade 5 pupil na si Josephine
Midtembang na mabilis namang isinugod sa Antipas Emergency Hospital sa bayan ng Antipas.

Sa inisyal na ulat, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang pumasok sa bisinidad ng nasabing paaralan at walang abu-abung pinagbabaril ang suspek.

Nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.


Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon sa nasabing insidente upang alamin kung anu ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento