Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sekyu tinodas ng tandem

(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Napaslang ang 38-anyos na security guard makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa harapan ng Barter Trade sa Gov. Gutierrez Avenue, Barangay Rosary Heights 7 sa Cotabato City, Maguindanao kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Insp. Reynaldo Delantin ang biktima na si Reynold Datulayta Cantila ng San Vicente Street sa Barangay Bagua 3 sa nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima nang lapitan at ratratin ng tandem pagsapit sa bisinidad ng Sinsuat Avenue.

Nagtamo ng tama ng bala si Cantila sa likurang bahagi ng kanyang ulo habang sugatan naman ang12-anyos na babae na tinaniman ng ligaw na bala sa kanang hita na agad namang dinala Cotabato Regional and Medical Center.

Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong love triangle ang isa sa motibo sa krimen. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento