Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Retaliation ng grupong BIFF, pinaghahandaan ng Militar

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Nagpapatuloy ngayon ang pursuit operation ng militar laban sa grupong Bangsamoro Islamic Freedom Figthers o BIFF matapos makubkob ang kampo ng mga ito sa Sitio Pedtad, Brgy Midpandacan, General Salipada K. Pendatun, Maguindanao kahapon.

Sinabi ni 6th ID spokesperson Joan Petinglay ginawa ang law enforcement operation ng militar at pulisya kontra sa nasabing grupo matapos ang panghaharas ng BIFF sa dalawang detachment ng 33IB sa Maguindanao noong linggo.


Dahil dito, mas pinaiigting pa ng militar ang kanilang kampanya kontra BIFF at sa posibleng paghiganti ng BIFF sa tropa ng military.

Napag-alaman mula sa tagapagsalita ng 6th ID na ang nakubkob na kampo ng BIFF ay sinasabing lugar na pagawaan nila ang Improvised Explosive Device o IED at training ground ng mga ito.

Narekober din ng mga otoridad na may 50 mga kubo na may mga barikada, at mga over head bunkers sa nasabing kuta ng BIFF. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento