Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pikit, North Cotabato; muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog

(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Muli na namang niyanig ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:45 kagabi.

Sa ulat ni Task Force Pikit Commander Supt. Jordine Maribojo na nangyari ang pagsabog sa gilid ng provincial road mula sa brgy. Ladtingan papuntang Poblacion.

Wala namang may nasakatan o nasawi sa nasabing insidente.

Nangyari ang pagsabog kasagsagan ng brownout sa lugar dulot ng bumagsak na transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines makaraang pasabugin din kamakalawa ng gabi.


Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang alamin kung anung klase ng eskplosibo ang sumbog at anung grupo ang may kagagawan ng pananabotahe sa lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento