Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Nene swak sa multicab

(North Cotabato/ January 10, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang 6-anyos na batang babae matapos aksidenteng masagasaan ng multicab sa Barangay Binoligan, Kidapawan City alas 2:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP Traffic Division ang biktima na si Kristelyn Kuyog, residente rin ng Barangay Binoligan.


Ayon sa report, minamaneho ni Lino Dacutan ang multicab mula Kabacan nang masagasaan ang biktima.

Naisugod pa sa Cotabato Provincial Hospital ang bata pero di na ito umabot pa ng buhay makaraang magtamo ng matinding sugat sa ulo at mag galos sa katawan.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon sa drayber na ngayon ay nasa kustodiya ngKidapawan City PNP. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento