Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis, utas sa Truck

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2015) ---Dead on arrival sa ospital ang isang 36-anyos na Ginang makaraang maaksidente sa Roxas St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:20 kagabi.

Kinilala ni P/Insp. Maxim Peralta ng Kabacan PNP ang biktima na si Wennie Esmilla Cabigonda, 36 anyos, may asawa at residente ng Katidtuan, Kabacan, Cotabato.

Sa inisyal na pagsisiyasat habang naglalakad ang biktima ay biglang nabangga ito ng isang humaharurot na Isuzu forward Truck (WHZ 817) na minamaneho ni Rommel Pamanan Diansay, 29 anyos, binata, residente ng Liliongan, Carmen, North Cotabato.

Naisugod pa ang biktima sa Kidapawan Medical Specialist pero di na ito umabot pa ng buhay.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang sasakyan at ang drayber ng Forward Truck at patuloy na iniimbestigahan ang insidente. Rizalyn Launio


0 comments:

Mag-post ng isang Komento