Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis na ayaw magpasiping, sinaksak ng mister

(North Cotabato/ January 7, 2015) ---Kalaboso ang isang mister makaraang saksakin nito ang misis na ayaw magpasiping sa kanya sa Barangay Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao kagabi.

Kinilala ni PSI Esmael Madin, ang hepe ng Sultan Kudarat Maguindanao PNP ang suspek na si Mohadin Abdul, 35 anyos habang sugatan naman ang mismong misis nitong kinilalang si Samra Abdul, 30 anyos kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, 10:30 kagabi ng makarating sa kanilang tahanan mula sa trabaho ang mag-asawa nang yayain ni Mohadin ang kanyang misis na sumiping, subalit tumanggi ito.

Dahil dito ay uminit ang ulo ni Mohadin dahilan kaya sinaksak nya ang kanyang may-bahay gamit ang isang bakal na tubong may haba ng 6 na pulgada.

Mabilis namang sumaklolo ang mga kapitbahay ng mag-asawa at agad na naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima samantalang ang mister nito ay nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento