Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mansion ng mga Ampatuan, pinasabugan!

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagpapasabog ng mga armadong grupo sa mansyon ng mga Ampatuan sa Mother Barangay Shariff Aguak Maguindanao alas 9:40 kagabi.

Sa report na nakarating kay Maguindanao PNP provincial director S/Supt Rudelio Jocson na pinaputukan ng M79 grenade launchers at 60 caliber machine gun ang tahanan ni Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan.

Dahil dito gumanti naman ng putok ang mga security forces ni Ampatuan laban sa mga armadong kalalakihan gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Walang nasugatan sa pagsalakay ng mga armado sa mansyon ng mga Ampatuan ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Ilang beses na rin na sinalakay ng mga armadong grupo ang tahanan ng mga Ampatuan sa bayan ng Shariff Aguak.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman sa pagtestigo ng ama ni Mayor Marop Ampatuan na si dating Mamasapano Mayor Acmad Ampatuan ang dahilan ng nasabing pagpapasabog.

Mas hinigpitan naman sa ngayon ang seguridad sa paligid ng mansyon ng mga Ampatuan matapos na naglagay na ng outpost ang pulisya at military sa tabi ng bahay ng mga Ampatuan. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento