Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, kinatay ng kabaro

(North Cotabato/ January 13, 2015) ---Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kapwa nito magsasaka sa Sitio Basak, Brgy. Baguer, Libungan North Cotabato alas 7:30 ng kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Libungan PNP ang biktima na si Dione Octavio Nocillas, 38 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Kinilala naman ni SPO3 Alipio T. Lomarda ng Libungan PNP ang suspek na si Sanny Relas,  23 anyos, binata , magsasaka at residente ng parehong lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay sinaksak sa tiyan ng suspek at agad namang isinugod sa Mt. of Blessings Hospital, Libungan Cotabato ngunit ideneklarang dead on arrival ng attending physician.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon hinggil sa pangyayari. Christine Limos


0 comments:

Mag-post ng isang Komento