Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, patay sa pamamaril sa Cotabato City

(North Cotabato/ January 14, 2015) ---Patay na nang madatnan ng mga otoridad ang isang di pa nakikilalang lalaki malapit sa Tarbong River, block 19, ND village, Barangay Rosary Heigths 8, Cotabato City ala nuebe kinse ng umaga kahapon.

Inilarawan ni Police Station 2 commander Sr. Ins. Reynaldo Delantin ang biktima na nasa 25-30 taong gulang, 5'5 ang height naka suot ng t-shirt na LEE at pambaba na kulay brown at dark blue.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng kanyang kamatayan.

Nabatid na dinala lamang duon sa lugar ang biktima at pinagbabaril ng di pa kilalang suspek.
Sinabi ni Delantin, posibleng hindi taga Cotabato City ang naturang biktima dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring nakakakilala sa lalaki.

Sa ngayon nasa Villa Funeral Homes pa ang bangkay ng biktima habang patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing insidente. DXVL News




0 comments:

Mag-post ng isang Komento