Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, huli sa pagdadala ng di lisensiyadong baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 18, 2015) ---Kasong illegal possession of firearms ang kakaharapin ng isang 19-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng baril sa panulukan ng Rizal St. at Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 11:40 ng umaga kamakalawa.

Sa police report na nakarating sa DXVL News kinilala ang suspek na si Omar Andug, 19-anyos, residente ng brgy. Marbel, Matalam, Cotabato.

Nahuli ang suspek habang naglalakad ito buhat sa Pamilihang bayan ng Kabacan ng mahulog ang bala sa kinatatayuan ito.

Isang residente ang nakakita at agad na naireport sa nagrorondang pulisya kaya agad namang kinapkapan ang suspek.

Doon na at nakita ang kalibre .45 na baril at ang magazine na naglalaman ng anim na mga bala.

Nang hingan ng pulisya ng dokumento si Andug bigo ito makapag-presinta kaya dinala ito sa presinto.


Inaalam pa ngayon ngmga otoridad kung anung grupo ang kinasasangkutan ng suspek habang nasa kustodiya ito ngayon ng PNP. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento