Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, huli sa inihaing Warrant of Arrest ng Midsayap PNP kaugnay sa illegal na droga

(Midsayap, North Cotabato/ January 20, 2015) ---Kalaboso ang isang lalaki matapos maaresto dahil sa illegal na droga sa Poblacion 7, Midsayap North Cotabato alas 4:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay Supt. Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP na kanilang ni-raid ang tatlong bahay sa Poblacion subalit pagdating ng pulisya kasama ang Special Action Forces-Midsayap ay wala na duon ang mag asawang sina Queni Indayla at Ameryl Invon at isang alyas Marco lamang ang nanduon sa lugar.

Posible umanong natunugan ang pagdating mga mga kapulisan.

Nakuha mula sa tatlong bahay ng mga suspek ang mahigit sampung gramo ng shabu at ilang drug paraphernalia.

Ayon kay delos Santos matagal nang target ng mga otoridad ang nasabing mga suspek na pinaniniwalaang nagbebenta ng shabu sa PPALMA area.

Sa ngayon tinutugis na nang mga otoridad ang mag asawa habang nakakulong na sa midsayap PNP lock up cell si alyas Marco habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Beñez





0 comments:

Mag-post ng isang Komento