Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Karagdagang pwersa ng PNP, ipapakalat ng PRO12

(North Cotabato/ January 6, 2015) ---Karagdagang pwersa ng police personnel ang itatalaga ng Police Regional Office o PRO-12 sa bawat police stations sa buong rehiyon ngayong taon.

Inihayag ni PRO-12 Regional Director Chief Supt. Lester Camba na ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang pagsisikap na mapaganda pa ang performance ng mga lokal na tanggapan ng PNP lalo na sa pagpapanatili ng peace and order.
Sinabi ng opisyal na ang North Cotabato ang makakakuha ng pinakamaraming personnel at susundan ng South Cotabato.

Ayon sa police official, ang karagdagang mga pulis ay kinabibilangan ng mga sumailalim sa kanilang recruitment program at attrition system noong nakaraang taon.

Sa ngayon, isinasapinal pa ng PRO-12 kung ilan ang eksaktong bilang ng mga pulis na maisasama sa deployment. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento