Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Hummer vs. Bike; 1 dedo!

Courtesy: FB of Graceshine
(North Cotabato/ January 19, 2015) ---Patay ang isang 21-anyos na lalaki makaraang makabangga ang sinasakyang motorsiklo nito sa isang Hummer Jeep sa nangyaring aksidente sa highway ng Kinuskusan, Bansalan, Davao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Ariz Gotoman Obedencia na isang field agronomist na taga Salunayan, Midsayap, North Cotabato.


Sa FB ng kanyang kasintahan na si Graceshine Alicaba, mula sa bayan ng Kabacan si Obedencia at patungo sana sa Digos City sakay ng kanyang XR 125 na motorsiklo nang makasalpukan ang isang Luxury SUV na hummer pasado alas singko ng hapon noong Biyernes.

Ayon kay Alicaba, tumilapon ang kanyang kasintahan ng abot sa 15 metro dahil sa impact.

Bagama't walang sugat sa ulo dahil sa suot na helmet, matinding sugat at pasa sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang naging sanhi ng kamatayan ni Obedencia.

Sa ngayon nasa kanilang bahay na sa bayan ng Midsayap ang labi ng biktima habang nasa himpilan naman ng pulisya sa Bansalan ang driver ng Hummer na buhat sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento