Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grupo na may kinalaman sa pagpapasabog sa bayan ng Pikit, hindi parin matukoy ng Task Force Pikit

(Pikit, North Cotabato/ January 16, 2015) ---Hindi parin matukoy ng Task Force ng Pikit kung sino ang may kinalaman sa pagpapasabog sa bayan ng Pikit.

Ito ay ayon sa panayam ng DXVL kay Task Force Pikit Commander Poloce Supt. Jordine Maribojo.

Bagaman may pagkakakilanlan na ang mga suspek batay sa ginamit na pampasabog ay hindi parin ito pinangalan ni Maribojo.

Samantala kinumpirma naman ni Maribojo na isa ngang IED ang sumabog noong kamakalawa ng gabi at patuloy parin umano nilang tinututukan ang imbestigasyon upang matukoy na nga ang responsible sa naturang pagpapasabog.


Sa ngayon, inaalam pa umano kung may kaugnayan ang naturang pagsabog sa iba pang nangyaring pagpapasabog sa bayan. Inaalam rin kung may kaugnayan ang mga ito sa pagkakapaslang ng mga elemento ng Organization Crime Group o OCG sa naturang bayan. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento