Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Celebrities tampok sa iba’t- ibang aktibidad ng Halad Festival 2015

By: Roderick Rivera Bautista
January 15, 2015

(Midsayap, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Star- studded ang pagdiriwang ng Halad sa Sr. Sto. Niňo Festival ngayong taon dahil sa mga bituing panauhin sa iba’t- ibang aktibidad.

Magpapakitang gilas ang Star Magic talent na Matt Evans at modelong si Jordan Herrera sa Halad Diamond Jubilee Motocross na gagawin sa Midsayap Pilot Central Elementary School Grounds sa January 17 at 18.


Tampok din ang aktor na si Aaron Villaflor at iba pang national riders sa Motocross Competition na idadaos naman sa Barangay Sadaan.

Mag- aalay din ng kanyang awitin ang Himig Handog P-Pop Love Song Finalist na si Michael Pangilinan sa Halad Fashion to Fame 2015 Runway Competition sa Sabado January 17.

Sa mismong araw ng kapistahan, January 18, ay gaganapin ang Halad Festival Concert tampok ang naman ang Pinoy band na Cueshe.

Umaasa ang mga organizer ng iba’-t ibang aktibidad na tatangkilin ng mga Midsayapeňo ang mga aktibidad kung saan tampok ang mga nasabing bituin.

Maliban sa mga bituing mula sa Maynila ay magbibigay din ng kasiyahan ang ilang local performing artists mula sa Lungsod ng Davao.

Dagdag pa rito ang mga import players na magpapakita ng galing sa iba-t ibang sporting events ngayong taon.







0 comments:

Mag-post ng isang Komento