Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Binata, natagpuang patay sa isang pagawaan sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Natagpuang patay ang isang binata sa Sestoso Miki Factory partikular sa Doňa Aurora Street, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Alvin Macaya Basaňes, 20 anyos, binata, trabahante ng nasabing pagawaan at residente ng Layangan, Sarayan, Matalam, Cotabato.


Ayon sa inisyal na report ng Kabacan PNP, natagpuang patay umano ito ng kanyang pinsan sa kanilang pinagta- trabahuan na pinangalanang si Wilben Basaňes Talindong, 19 anyos, binata, at residente din ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, alas 4 ng umaga kahapon ay nagreklamo umano ang biktima kay Talindong na nakaramdam umano ito ng pananakit ng ulo at mga kasu-kasuan pero agad din umano itong uminom ng paracetamol.

Agad namang sumangguni ang tanggapan ng pulisya sa Rural Health Unit ng Kabacan upang masuri kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon, nakahimlay ang labi ng biktima sa Villa Jusa Funeral Homes, Barangay Osias, Kabacan Cotabato habang patuloy ang malaliman pang imbestigasyon. Rizalyn H. Launio


0 comments:

Mag-post ng isang Komento