Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Barangay Poblacion Kapitan Mike Remulta, nagpa- abot ng tulong sa mga nasalanta ng baha sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2015) ---Nagpa- abot ng tulong ang Barangay Poblacion Kapitan Mike Remulta sa mga evacuees na nasalanta ng malaking pagbaha sa iilang lugar ng Kabacan, Cotabato.

Nasa 15 ka- tao ang mga evacuees, mga residente ng Plang, Village na kinupkop sa tanggapan ng Kapitan.


Matatandaang sinalanta ng malaking baha ang iilang lugar ng Kabacan noong Enero 22 dahilan ng pagkalunod ng iilang kabahayan at iilang mga kagamitan ng mga nasalanta na niragasa ng tubig baha.

Sa ngayon, ay nasa opisina ng tanod ang mga evacuees bilang temporaryo nilang tirahan at binigyan din ang mga ito ng pagkain.

Habang pinagplanuhan naman ng Kapitan ang pagpapatayo ng bahay sa mga lote ng evacuees upang meron na silang matirhan. Rizalyn H. Launio



0 comments:

Mag-post ng isang Komento