Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay ng lolo, narekober na!


(North cotabato/ January 25, 2015) ---Natagpuan na ang bangkay ng isang lolo na una nag napaulat na inanod ng baha sa Arakan North Cotabato noong Huwebes ng madaling araw.


Sinabi ni Arakan PNP commander Senior Ins. Rolly Oranza natagpuan ang bangkay ni Wennie Pastores Pajenado, 61, sa ilog ng brgy. malatab, Antipas North Cotabato noong Sabado ng umaga na naaagnas na.


Agad namang ipinaalam ng PNP, MDRRMC at BFP Arakan sa pamilya ng biktima ang pagkakarekober ng bangkay.

Sa ngayon patuloy pa rin ang panawagan ng mga otoridad sa mga residente ng Arakan na mag-ingat lalung lulo na sa mga nakatira malapit sa mga ilog.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento