Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

22-anyos na lalaki, arestado sa pagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ January 19, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan, Cotabato alas 1:30 ng medaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PCI Ernor Melgarejo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Allan Guiamblang, 22 taong gulang, residente ng Kilada, Matalam, Cotabato.

Batay sa report, hinuli ng mga kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa isinagawang pagsisiyasat sa suspek, doon na narekober sa posisyon nito ang isang plastic heat sealed sachet na nagalalaman ng shabu.

Sa panayam ng DXVL News sa suspek, itinanggi nitong sa kanya ang nasabing shabu pero aminado ito na gumagamit ito ng pinagbabawal na gamot.

Sa ngayon, kalaboso ang suspek habang inihahanda naman ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento