Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 tiklo sa droga

(Kidapawan City/ January 21, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawang kalalakihan matapos na mahulihan ng illegal na droga sa checkpoint ng Barangay Balindog, Kidapawan City pasado alas siyete kagabi.

Sakay ng motorsiklong walang plate number ang dalawang suspek na sina sina Vincent Dancel, 19 anyos at Josema Limit pawang mga residente ng Purok Talisay, San Jose, Digos City at ng kapkapan ang mga ito ay nakuha sa bulsa ni Limit ang dalawang may kalakihang sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Kaya, agad na dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya sahil bukod sa nabanggit na paglabag wala ring naipakitang dokumento sa dalang  motorsiklo ang mga suspek.


Sa ngayon na sa kustodiya ng Kidapawan City PNP ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento