Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 utas, 3 sugatan sa karahasan

(North Cotabato/ January 20, 2015) ---Napatay ang 29-anyos na lalaki matapos barilin ng di- kilalang gunman sa bisinidad ng spring site sa Barangay Bagua Tres Cotabato City, Maguindanao kamakalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya,  nakaupo lamang ang biktimang si Gilbert Samuigid Torquido nang bigla na lamang itong lapitan at barilin sa ulo ng gunman.
Samantala, sugatan naman ang dalawang lalaki at isang estudyante matapos pagbabarilin sa Doña Blanco St. sa Barangay Poblacion 4  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Julius Parangan Vaccarro, 36; Antonio Basaya Sarimos, 31; at  ang estudyanteng si Jeremy Salem Villasis, 25, na tinamaan sa kanang hita habang nagla-lakad. 

Nabatid na nakatayo sina Vaccarro at Sarimos habang nakikipag-usap sa kanilang mga kaanak nang lapitan ng pagbabarilin. Agad na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo sa direksyon ng public market sa nasabing lungsod. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento