Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na responsable sa pagpapsabog ng IED sa Kabacan, nasakote na!

(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2014) ---Nasa kamay na ng Cotabato Police Provincial Office ang suspek na responsable sa pagpapasabog sa bayan ng Kabacan na ikinasawi ng isang estudyante ng USM at ikinasugat ng 16 na iba pa.

Kinumpirma mismo ni P/SSupt. Danilo Peralta, ang CPPO Provincial Director matapos na masakote ang suspek sa barangay Poblacion ng President Quirino, Sultan Kudarat.

Pero hindi muna idenitalye ni Peralta ang pagkakakilanlan ng suspek habang patuloy ang ginagawa nilang man hunt operation sa mga kasama nito.

Malaki ang paniniwala ni Peralta na iisang grupo lamang ang may kagagawan ng pananabotahe sa magkahiwalay na lugar sa probinsiya dahil sa magkakapareho ang signature ng pagkakagawa ng ied.


Sa ngayon blangko muna ang mga otoridad sa kung anu ang motibo ng mga ito sa mga pagpapasabog sa lalawigan habang nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento