Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Van hinoldap sa Carmen, Cotabato; Drayber, konduktor; pinatay

(Carmen, North Cotabato/ October 2, 2014) ---Napatay ang driver at konductor ng pampasaherong van matapos ratratin ng mga di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa bahagi ng Upian Bridge sa Barangay Kimadzel, bayan ng Carmen, North Cotabato kagabi. 

Kinilala ni PO1 Jesus Necessito ang mga napatay na sina Ricky Patricino, drayber; at Albo Lintag, 40, konduktor, mga nakatira sa Cagayan de Oro City. 

Sa ulat ng Carmen PNP, lumilitaw na patungong Davao City mula sa Cagayan de Oro City ang pampasaherong van na may lulang 18-katao nang holdapin ng dalawang armadong lalaki pagsapit sa nasabing bayan. 

Pinababa ang mga pasahero ng van saka nilimas ang mga gamit at pera. 

Gayon pa man, pinagbabaril ang driver at conductor saka pinaharurot ang van kung saan iniwan ang mga pasahero. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento