Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

27-anyos na lalaki, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2014) ---Tinangay ng mga di pa nakilalang mga suspek ang bagong motorsiklo ng isang 37-anyos na lalaki makaraang tinutukan ito ng baril at pwersahang kinuha ang minamaneho nitong motorsiklo sa Zamora St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 10:15 nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Ebenejer Calija, 37-anyos at residente ng Brgy. Pisan ng bayang ito.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay ang motorsiklo nitong Nex Scooter ng tutukan ito ng baril ng tatlong mga suspek.

Agad naming tumakas ang mga salarin papalayo sa bahagi ngMantawil St.

Nagkasa naman ng hot pursuit operation ang PNP pero bigo silang matiklo ang suspek. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento