Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasaka, patay makaraang ratratin ng riding tandem sa Carmen, North Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ September 16, 2014) ---Pinabulagta ng riding in tandem assassins ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng mga ito sa Sayre National Highway, Ugalingan, Carmen, North Cotabato mag-aalas tres kahapon ng hapon.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Salman Rahim Padi alyas Tablawe Pasi, 28 anyos, binata, magsasaka at residente ng Sitio Dungguan, Barangay Ugalingan, Carmen Cotabato.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo umano ang biktima sa harapan ng MESING ng pagbabarilin gamit ang hinihinalang kalibre 45 na baril ng dalawang di pa nakikilalang kalalakihan na nakasakay sa isang Honda XRM na kulay itim na walang plaka gamit umano ang hinihinalang kalibre 45 na baril.

Dalidali namang isinugod sa bahay pagamutan ang biktima ngunit dineklara na itong dead on arrival.

Narekober din sa crime scene ang 3 basyo ng kalibre 45 na baril.

 Patuloy naman ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa naturang insedente.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento