Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber, itinumba!

(Cotabato City/ September 29, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang drayber sa bahagi ng Salamat Street Mother Barangay Poblacion, Cotabato City dakong 2:20 ng hapon kahapon.

Kinilala ang biktimang si Menso Fermin Pusdan 32 anyos, isang driver at residente ng Balut Sultan Mastura Maguindanao.


Ayon sa report, namataan sa nasabing lugar mula pa kahapon ng umaga ang biktima kasama ang dalawang iba pa sakay ng dalawang motorsiklo.

Habang nakatayo sa lugar at tila may hinihintay, ay bigla na lamang may lumapit sa biktima na isang di pa nakikilalang lalaki at walang kaabog abog na pinagbabaril si Pusdan.

Nagtamo ng multiple gunshot wound ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Mabilis namang nakatakas ang suspek patungo sa di matukoy na direksyon habang kumaripas din naman ng takbo papalayo ang dalawang kasamahan ng biktima.

Narekober naman sa crime scene ang pitong basyo ng cal.45 na pistola. Inaalam naman ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng suspek. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento