Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Agaw Motorsiklo, naitala sa Libungan PNP

(Libungan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Tinangay ng mismong kaibigan ng biktima ang motorsiklo nito sa nangyaring agaw motorsiklo sa bahagi ng Sitio Bangar Batiocan sa bayan ng Libungan, Cotabato alas 12:20 ng madaling araw kahapon.

Sa ulat ni Cotabato Police Provincial Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na tinagay ng suspek na si Mark Marvin Hilarion Senarosa, nasa tamang edad ang motorsiklo ng kanyang kaibigang biktima na si Julius Cesar Duque at residente ng Pobalcion 8, Midsayap, Cotabato.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, napag-alaman na tumungo sa bahay ng biktima ang suspek na si Senarosa upang magpahatid sa Libungan sakay sa motorsiklo ni Duque na isang Honda XRM at may license plate 9216 MZ.

Pero pagdating sa Libungan Proper, pinahinto ng suspek ang biktima at binatukan sa ulo ng tatlong beses gamit ang matigas na bagay.

Nang makitang nakahandusay sa lupa ang biktima mabilis na tinangay ng suspek ang motorsiklo nito.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa bahay pagamutan habnag patuloy na ngayong tinutugis ang suspek. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento