Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 mga budol-budol gang na nahuli sa Kabacan, tukoy na ang pagkakakilanlan

(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2014) ---Tukoy na ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng dalawang mga budol-budol gang na nahuli ng mga otoridad nitong Martes ng tanghali dito sa Poblacion, Kabacan.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang dalawang mga naarestong budol-budol gang na sina: Alfredo Valdez, 65-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Dolo, Bansalan, Davao del sur at Anthony Ancajas Corcuera, 32-anyos, kasado at residente ng Javier St., Rosary Heights Subdivision, Cotabato City.

Nahuli ang mga suspek makaraang pagbentahan nila ang isang biktimang kinilalang si Mau Jatico residente ng Poblacion, Kabacan ng isang herbal product at pinapasok sa kanilang sasakyan kungsaan pinangakuan ang biktima na kanilang ihahatid ng libre ang product kung magbibigay ito ng P3,000.00.

Pero duda ang biktima, makaraang di na sumipot sa kanilang napagkasunduang lugar ang mga suspek makaraang matangay ang pera nito, kaya sa tulong ng mga otoridad ay na-intercept ang mga suspek sakay sa kanilang starex kulay berde na sasakyan na may plakang KFF-885.

Sa ngayon nasa Kabacan PNP lock up cell ang mga suspek kungsaan inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento