Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis nabundol ng rumaragasang sasakyan sa Aleosan, patay!

(Aleosan, North Cotabato/ July 25, 2014) ---Patay ang isang ginang, matapos tumilapon nang mabundol ng isang D4D pick up type vehicle sa Aleosan, North Cotabato.

Kinilala ng Aleosan PNP ang biktima na si Nida Ferinal, 40-anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, tumatawid lamang si Ferinal sa national highway ng Aleosan pasado alas 9 ng umaga kamakalawa, nang mahagip ng D4D pick-up type vehicle na may licensed plate LGW 746 at minamaneho ng isang Samir Simbuangan taga- Sitio Bulit, Brgy Pagagawan, Montawal, Maguindanao.

Nag-overtake kasi si Simbuangan sa isang passenger town ace at huli na nang mapansin ang tumatawaid na biktima. 

Sinubukan pang isugod sa pagamutan si Ferinal subalit idineklara itong dead on arrival.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa Aleosan PNP matapos ang insidente. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento