Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Market Administrator ng Kabacan, ipapatawag sa SB re: reklamo sa Public CR sa Kabacan Public Market

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Nakatakda namang ipapatawag sa Sangguniang Bayan ng Kabacan si Market Administrator at Economic Enterprise Officer Edne Palomero para papaliwanagin hinggil sa Pampublikong Palikuran sa Kabacan Public Market.

Ito makaraang umani ng batikos sa mga netizens partikular na sa facebook ang hindi malinis at maayos na Comfort Room sa palengke.

Kaugnay nito, sinabi ni Councilor Rhosman Mamaluba na maliban sa nasabing CR ay dapat ding tingnan ang maintenance ng palikuran maging sa Kabacan Terminal Complex sa Kayaga.


Ipinanukala naman ni Councilor Herlo Guzman Sr. na pansamantalang ipasara muna ang nasabing CR habang hindi pa naayos pero tinutulan ito ni Councilor Jonathan Tabara dahil sa walang magamit na palikuran ang mga nasa Merkado Publiko. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento