Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lolo, bangkay na ng matagpuan sa dating terminal ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Wala ng buhay ng matagpuan ang isang lolo sa may dating terminal ng na nasa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:45 kahapon ng hapon.

Sa report ng Kabacan PNP ang bangkay ay nasa edad 60-65 taong gulang.

Hindi pa mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima.


Wala namang may nakitang sugat, pasa o tama ng bala sa katawan ng biktima na posibleng dahilan ng kamatayan nito.

Posibleng inatake sa puso o high blood ang biktima.

Sa ngayon pansamantalang nakalagak ang labi nito sa Villa Jusa Funeral Homes.

Panawagan ng pulisya sa publiko na kung may kamag-anak kayong di pa naka-uwi mangyari lamang na bisitahin ang nasabing funeral parlor para kilalanin ang nasabing bangkay.


Isasailalim sa post mortem examination ang biktima para alamin ang totoong sanhi ng kamatayan nito kung ito ba ay natural death o may foul play sa pagkamatay ng biktima. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento