Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, sugatan sa shooting incident sa Carmen, NCot!

(Carmen, North Cotabato/ April 5, 2014) ---Sugatan ang isang Mohammad Mamalumpong Unayan, residente ng Sitio Galay, Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Kabasalan, brgy. Kibayao ng nasabing bayan.

Ayon sa report ng Carmen PNP sakay ang biktima sa kanyang kulay putting MCX motorcycle ng mangyari ang insedente alas 6:50 kamakalawa ng gabi.


Nagtamo si Unayan ng tama ng bala sa kaliwang braso nito na mabilis na isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan.

Blanko pa ang mga otoridad kung anu ang motibo ng nasabing pamamaril habang nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento