Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Drayber ng motorsiklo, patay; 1 pa sugatan sa aksidente sa Highway ng Antipas, NCot

(Antipas, North Cotabato/ April 4, 2014) ---Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang lalaki makaraang masangkot ang minamaneho nitong motorsiklo sa aksidente partikular sa Dalapuan crake, brgy. Kiyaab Antipas North Cotabato alas 6:15 kagabi.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Jun jun Ynon, residente ng Brgy. Binay, Magpet North Cotabato habang sugatan naman ang angkas nitong si Rogen Hovelo Gallo, 30 anyos, may asawa at residente sa Brgy. Lamian, Surallah South Cotabato.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Antipas PNP, binabaybay ni Ynon at Gallo ang Antipas National Highway pauwi ng kanilang bahay subalit pagdating sa kurbadang bahagi ng Dalapuan crake ng barangay Kiyaab ay nawalan ng kontrol ang motorsiklo nito.

Ang nasabing sasakyan ay isang kulay pulang Skygo Wizard na may license plate 9467 MX na aksidenteng nabangga sa railings ng nasabing kalsada.

Nagtamo ng malubhang sugat si Ynon at agad na isinugod sa Antipas Medical Hospital subalit binawian din ito ng buhay habang ginagamot.

Nagtamo naman ng sugat ang back rider nito na patuloy na nagpapagaling sa nasabing bahay pagamutan kungsaan nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Antipas PNP. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento