Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 babae, isa dito menor de edad, halinhinang ginahasa ng limang mga kalalakihan sa Kabacan, Cotabato; suspek arestado

(Kabacan, North Cotabato/ October 19, 2012) ---Kalaboso at naghihimas ng malamig na rehas bakal ang lima katao makaraang arestahin ng Kabacan PNP sa isang boarding House sa Matalam St., Pobalcion, Kabacan, North Cotabato ngayong umaga lamang makaraang ireklamo ng dalawang mga dalagita dahil sa panghahalay na ginagawa sa nila.


Batay sa report ng Kabacan PNP pinagpasa-pasahang gahasain ng limang mga suspek ang dalawang mga biktima na itago lang sa pangalang “Mishielle” at “Kristine”.

Naganap ang gang-rape kaninang madaling araw dakong alas 12:45 ng umaga sa Mamasakitao Boarding House na nasa Matalam St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Sa kwento ng mga biktima, tinutukan umano sila ng baril habang ginagawa ng mga suspek ang kababuyan sa kanila.

Samantala, nakatakas naman ang mga biktima mula sa kamay ng mga suspek alas 4:00 kaninang madaling araw at agad na nagsumbong sa pulisya kaya naaresto ang mga suspek na kinilalang sina:Jefrey Bunod Bautista, 24, binata, walang trabaho at residente ng Matalam St., Pobalcion, Kabacan; Norudin Dimaporo, 18, binata, estudyante ng St. Lukes Institute ng Kabacan at residente ng Pikit, Cotabato; Datu Rudy Pedtukasan Mamacan, 20, may asawa, Sam Ali Datu Ali, negosyante ng networking marketing at Dats Bulilo Gumantong, 19, binata, estudyante ng St. Lukes.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP sa pangunguna ni P/Insp. Tirso Pascual nakita sa mismong kwarto ng pinangyarihan ng krimen ang ilang mga foil paper na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon sa mga biktima, bago sila hinalay ng mga suspek nag-pot session muna ang mga suspek.

Napag-alaman din na ang baril na ginamit sa pagtutok sa mga biktima ay baril-barilan.

Ginahasa ang mga biktima sa room 3 at room 5 sa itaas na palapag ng Mamasakitao Boarding House sa nabanggit na lugar.

Sa ngayon, nasa Kabacan PNP Lockup cell na ang mga suspek at inihahanda na ang patung-patong na kasong kakahrapin ng mga ito, una ang kasong rape na RA 8353 at ang rape in relation to RA 7610 in relation to child abuse at ang RA 9165 o dangerous drugs act of 2002.

Ngayong umaga dinala na ang mga biktima sa USM Hospital para sa medical na eksaminasyon at patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Women and Children Protection Desk ng Kabacan PNP. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento